Guevarra diskumpyado sa ika-102 ranking ng Pilipinas sa world rule of law index
Hindi kumporme si Justice Sec. Menardo Guevarra sa resulta ng 2021 Rule of Law Index ng World Justice Project kung saan ika-102 ang Pilipinas mula sa 139 bansa.
Sinabi ni Guevarra na wala siya sa posisyon para magkomento dahil hindi rin niya nakita pa ang report o batid ang batayan ng nasabing rankings.
Pero, para sa kalihim, maliban sa ilang sensational na mga kaso ay pababa ang trend ng general crime rate sa bansa ng ilang taon na.
Ayon pa kay Guevarra, tinutugunan ng pamahalaan ang mga napapaulat na paglabag sa karapatang pantao at sinasabing mga pag-abuso sa kampanya kontra iligal na droga.
Aniya bagamat hindi perpekto ang law enforcement, prosecutorial, at judicial institutions ng bansa gaya ng ibang human institutions ay ito ay gumagana.
Gayunpaman, tiniyak ni Guevarra na mas magsisikap ang gobyerno na i-uphold at isulong ang rule of law sa bansa.
Batay sa 2021 Rule of Law Index, nakakuha ang Pilipinas ng overall score na 0.46 para sa rule of law na 2.9% na pagbaba sa ranking nito noong 2020.
Moira Encina