Guimaras mangoes, kauna-unang produkto ng Pilipinas na binigyan ng GI seal – DFA

Photo courtesy of pna.gov.ph

Inaprubahan ng Intellectual Property Office (IPOPHL) ang rehistrasyon ng Guimaras mangoes bilang geographical indication (GI).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Guimaras mangoes ang kauna-unahang rehistradong GI ng bansa.

Batay sa World Intellectual Property Organization (WIPO), ang GI ay tanda na ginagamit sa mga produkto na may ispesipikong geographical origin at nagtataglay ng kalidad o reputasyon dahil sa pinagmulan nito.

Sinabi ng DFA na dahil sa GI seal para sa mga mangga ng Guimaras, makatatanggap ng karagdagang kita ang mango-farmers at producers mula sa lalawigan at magkakaroon ng international prestige, proteksyon at pagkilala dahil sa masarap nitong mango products.

Ayon sa IPOPHL, nagsimula pa noong 2013 ang trabaho para makakuha ng GI ang Guimaras mangoes sa ilalim ng technical assistance project na pinangasiwaan ng European Union.

Sa oras na mapagtibay bilang GI, maisasailalim ito sa proteksyon ng World Intellectual Property Office (WIPO) Geneva Act kapag sumang-ayon ang Pilipinas sa nasabing instrument.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *