Guinea, naglunsad ng Ebola vaccination campaign
CONAKRY, Guinea (AFP) — Naglunsad ng Guinea ng isang Ebola vaccination campaign nang magkaroon ng panibagong outbreak ng nakamamatay na sakit sa bansa ngayong buwan.
Umaasa ang mga opisyal na mapupuksa ang virus sa loob ng anim na buwan.
Ang Guinea ay nag-ulat ng bagong Ebola cases noong February 13 — kauna-unahan sa West Africa matapos ang 2013-2016 epidemic, na ikinasawi ng higit sa 11,300 katao sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Ang latest outbreak ay lumitaw sa bayan ng Gouecke, sa magubat na Nzerekore region sa timog-silangang bahagi ng Guinea, na ikinasawi na ng limang katao.
Gayunman, wala pang bagong mga kasong naitala sa nakalipas na isang linggo.
Ang Ebola ay nagdudulot ng malubhang lagnat, at sa pinakamalalang kaso ay hindi maampat na pagdurugo.
Nakukuha ito sa pamamagitan ng close contact sa bodily fluids, at pinakamataas ang tyansang mahawa ang mga taong naninirahan kasama o nag-aalaga ng mga pasyenteng may Ebola.
Sinimulan ng health workers began na magbigay ng Ebola vaccines sa Gouecke nitong Martes, makaraang dumating sa Guinea ang higit sa 11,000 doses.
Nagtungo sa nasabing bayan si Guinea Health Minister Remy Lamah, at Georges Ki-Zerbo, tkinatawan ng World Health Organization (WHO) sa bansa, upang simulan ang kampanya.
Plano ng WHO na magpadala ng na nasa 8,000 doses pa sa to Guinea.
Ayon kay Ki-Zerbo, ang bakuna ay unang ibibigay sa mga taong nagkaroon ng contact sa mga pinaniniwalaang nahawaan na, para maputol ang chain ng transmission.
Ayon kay Dr. Halimatou Keita na nagtatrabaho sa isang pagamutan doon, nagsimula na rin ang vaccination campaign sa Dubreka, na nasa labas ng Conakry, kapitolyo ng Guinea.
Ngayong Miyerkoles, ang pagbabakuna ay magpapatuloy sa Nzerekore, na nasa 40-kilometro mula sa Gouecke.
Sinabi ni Bouna Yattassaye, deputy director ng National Agency for Health Security, na kabuuang 385 katao ang natukoy na nagkaroon ng contact sa naunang kaso ng Ebola at sa mga kaanak nito.
Karamihan sa mga ito ay minomonitor at kabilang sa mga unang babakunahan.
Samantala, ang central Africa, ang Democratic Republic of Congo ay nagkaroon na rin ng bagong Ebola outbreak.
© Agence France-Presse