Gumagaling mula sa COVID-19 sa Pasay, patuloy na nadaragdagan
Patuloy ang pagdami ng mga gumagaling na Covid patient sa Pasay City.
Sa pinakahuling tala ng city epidemiology and disease surveillance office, hanggang Aug. 30, 2021 ay nasa 16,054 na ang gumaling mula sa sakit, kasama na rito ang 88 new recoveries.
Samantala, umabot na ngayon sa 17,446 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod, kasama na ang bagong napaulat na 105 confirmed cases.
Mula sa nasabing bilang, 158 o 79% ang active cases mula sa iba’t-ibang barangay.
Bunsod nito ay ipinasya ng Pasay LGU na isailalim sa localized enhanced community quarantine (LECQ) ang mga barangay na may mataas na kaso.
Sa contact tracing naman ay umabot na sa 39,456 ang naiulat ng city health office.
Pinakamataas na datos ay ngayong Agosto kung saan nasa 39,456 ang naitala kumpara sa nakalipas na tatlong buwan.
Nasa 31.11% naman o katumbas nf 138,930 ang sumailalim sa RT-PCR test mula sa kabuuang populasyon ng Pasay City.
Jimbo Tejano