Gumanap na Hagrid sa Harry Potter movie series na si Robbie Coltrane, pumanaw na sa edad na 72
Pumanaw na sa edad na 72, ang Scottish actor na si Robbie Coltrane, na gumanap bilang Hagrid sa Harry Potter films.
Si Coltrane ay gumanap din bilang dating KGB agent na naging Russian mafia boss sa dalawang James Bond films, ang “Goldeneye” (1995) at “The World Is Not Enough” (1999) kasama ni Pierce Brosnan.
Sa isang statement ay sinabi ni Belinda Wright, “My client and friend Robbie Coltrane, a unique talent, passed away on Friday October 14.”
Ayon naman kay Daniel Radcliffe na gumanap sa pangunahing papel sa Harry Potter series, “Robbie was one of the funniest people I’ve met and used to keep us laughing constantly as kids on set. I feel incredibly lucky that I got to meet and work with him and very sad that he’s passed.”
Sa opisyal na James Bond Twitter account, nagbigay ng tribute kay Coltrane ang franchise producers na sina Michael G. Wilson at Barbara Broccoli, “Coltrane is an exceptional actor whose talent knew no bounds. “We shall miss him as a dear friend.”
Si Coltrane na isinilang bilang Anthony Robert McMillan noong Match 30, 1950 sa Rutherglen, malapit sa Glasgow, ay isang aktor, komedyante at manunulat.
Sa telebisyon, ay lumabas siya sa BAFTA-winning BBC mini-series na “Tutti Frutti” noong 1987 kasama ni Emma Thompson, na isa rin sa karakter sa Harry Potter movie series.
Si Coltrane ay naging kilala at nagwagi ng mga awards para sa pagganap niya sa papel ng criminal psychologist na si Dr. Eddie “Fitz” Fitzgerald sa ITV series na “Cracker” (1993-2006).
Siya ang English author at lexicographer na si Samuel Johnson sa TV comedy series na “Blackadder the Third” kasama ni “Mr Bean” star Rowan Atkinson at Hugh Laurie ng “House.”
Ayon naman sa tweet ng isa pang kilalang aktor at malimit na maging co-star ni Coltrane na si Stephen Fry, “I was awe/terror/love struck all at the same time when I first met Coltrane 40 yeasr ago. Such depth, power & talent: funny enough to cause helpless hiccups & honking as we made our first TV show, ‘Alfresco.’ Farewell, old fellow. You’ll be so dreadfully missed.”
Sa big screen, si Coltrane ay nagkaroon ng papel sa 1987 Neil Jordan crime drama na “Mona Lisa” at nakipag-team up sa dating Monty Python star na si Eric Idle sa 1990 comedy na “Nuns on the Run”.
Ngunit mas maaalala siya ng buong mundo bilang si Rubeus Hagrid, ang half-giant half-human gamekeeper at Keeper of the Keys and Grounds ng Hogwarts school sa film franchise ng best -selling Harry Potter books ni JK Rowling.
Sinabi ni Wright, “The role brought joy to children and adults alike all over the world, prompting a stream of fan letters every week for over 20 years. As well as being a wonderful actor, he was forensically intelligent, brilliantly witty.”
Sa tweet ni Rowling nakasaad, “I’ll never know anyone remotely like Robbie again. He was an incredible talent, a complete one off, and I was beyond fortunate to know him, work with him and laugh my head off with him.”
Naulila ni Coltrane ang kaniyang mga anak na sina Spencer at Alice at kanilang ina na si Rhona Gemmell.
Wala pang ibinibigay na sanhi ng pagkamatay ni Coltrane, ngunit pinasalamatan ni Wright ang medical staff sa Forth Valley Royal Hospital sa Larbert, central Scotland, “para sa kanilang pag-aalaga.”
© Agence France-Presse