Pag-iral ng Habagat terminated na – PAGASA
Tuluyan nang tinapos ng PAGASA ang pag-iral ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa bansa.
Batay sa pagtaya ng PAGASA , lumalakas na ang high-pressure area sa Asian continent na nagdulot nang unti-unting pagpapalit ng panahon .
Dahil dito ,sinabi ng PAGASA na unti-unti ay mararamdaman na ang pagsisimula ng pag-iral ng Hanging Amihan o ang Northeast Monsoon kaya terminated na ang habagat.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagkakaroon ng La Niña sa bansa.
Inihayag pa ng pagasa na ang pinagsanib-pwersa ng Amihan at La Niña ay maaring magdulot ng malakas na pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa .
Please follow and like us: