Sa pagmahal ng presyo ng fertiliser , Japan bumalik sa paggamit sa dumi ng tao bilang pataba

Mura, puwedeng i-recycle at tradisyunal nang ginagamit sa loob ng maraming siglo, ang “shimogoe” o “pataba galing sa dumi ng tao” ay muling nagbabalik sa Japan dahil sa pagtaas ng presyo ng kemikal na pataba bunsod ng giyera sa Ukraine.

Gaya sa ilang bahagi ng mundo, ang paggamit sa “night soil” bilang pataba sa mga pananim ay dating karaniwang ginagamit sa Japan.

Gayunman, nang pagdating ng sewage systems at treatment facilities, maging ang chemical fertilisers, ay nawala ito sa uso.

Humigit-kumulang isang dekada na ang nakalipas, napaisip ang Japanese treatment facilities kung maaari nilang buhayin ang interes upang maiwasan ang pagtatapon ng putik sa mga sewage, isang prosesong magastos at posibleng makapinsala sa kapaligiran.

Ngunit ang sigasig ay limitado hanggang sa ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay nagpataas sa halaga ng mga kemikal na pataba.

Naging bentaha ito para sa isang pasilidad sa Tome sa hilagang Japan, kung saan ang halaga ng shimogoe ay tumaas ng 160 porsiyento noong Marso ng kasalukuyang taon.

Sa unang pagkakataon mula nang simulan ng lungsod ang paggawa ng pataba noong 2010, ay naubos na ito na ayon sa bise presidente ng pasilidad na si Toshiaki Kato ay madaling ipaliwanag.

Sinabi ni Kato, “Our fertiliser is popular because it is cheap, and it is helping farmers cut soaring costs. It is also good for the environment.”

Gawa sa pinaghalong treated sewage sludge mula sa mga septic tank at dumi ng tao mula sa cesspits, ang pataba ay nagkakahalaga ng 160 yen 160 yen ($1.10) bawat 15 kilo.

Ito ay halos ikasampu ng presyo ng mga produktong gawa sa mga imported na hilaw na materyales.

Sa Saga sa southwestern Japan, iniulat din ng mga opisyal na tumaas ang bentahan ng dalawa hanggang tatlong ulit, at dose-dosenang mga tour group mula sa mga munisipyo sa ibang lugar sa bansa ang bumisita, sabik na gayahin ang kanilang programa.

Ayon kay Arata Kobayashi, isang fertiliser specialist na sumulat ng journal articles tungkol sa paksa, ang shimogoe ay isang pangunahing pataba sa pre-modern Edo era ng Japan.

Noong unang bahagi ng ika-18 siglo, ang isang milyong residente ng Tokyo — tinatawag noon na Edo — ay “nakagawa” ng tinatayang 500,000 tonelada ng pataba sa isang taon.

Sinabi ni Kobayashi, “It was big business, involving gatherers, transporters and farmers, ‘and all of them’ benefited from the recycling system. They ‘didn’t create a recycling system on purpose,’ it was the result of everyone pursuing profit.”

Hinikayat ng gobyerno ng Japan ang muling pagbuhay dito, na binanggit ang mga benepisyo sa kapaligiran, at mga alalahanin tungkol sa seguridad sa pagkain mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine.

Umaasa ang ministry of agriculture, forestry, and fisheries na madoble ang paggamit sa dumi ng hayop at dumi ng tao sa 2030, na may layuning umabot sa 40% ang paggamit sa naturang pataba sa Japan.

Kuwento ni Kenichi Ryose, facility manager sa Miura Biomass Centre na nasa labas ng Tokyo, “We produce 500 tonnes of fertiliser annualy. This fertiliser is particularly good for leaf vegetables, like cabbage.”

Aniya, “Harmful materials like heavy metals are removed from processed sewage sludge before arriving at the plant.”

Sa Estados Unidos, nagkaroon kamakailan ng mga alalahanin tungkol sa mga antas ng tinatawag na forever chemicals (PFAS) sa pataba na gawa sa sewage.

Sinabi ng isang environment ministry official, na ang mga katulad na alalahanin ay hindi naiulat sa Japan, ngunit binanggit na walang kasalukuyang mga alituntunin para sa mga antas ng PFAS sa lupa.

Ayon kay Ryose, “We’re in the process of developing a scientifically reliable way to measure the PFAS and studying how to regulate it.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *