Hackers, nanghihingi ng $10 million para sa ninakaw nilang Australian health records
Nanghihingi ng $10 million ang mga hacker na nag-leak ng medical records na ninakaw nila mula sa isang pangunahing Australian healthcare company, upang ihinto nila ito. Katumbas ng halos isang dolyar para sa bawat isang potensiyal na biktima.
Una nang kinumpirma ng Medibank, na nakuha ng hackers ang impormasyon na pag-aari ng 9.7 milyong kasalukuyan at dating mga kliyente, kabilang ang kay Prime Minister Anthony Albanese.
Ang isang maliit na bilang ng sample ng mga record na ipinost ng hackers nitong miyerkoles, ay nagtatampok sa talaan ng mga pangalan na lumilitaw na sumailalim sa treatment para sa drug addiction, alcohol abuse at HIV.
Nitong huwebes ay kinumpirma ng Medibank na may dagdag na file na pinaniniwalaang nagtataglay ng customer data ang in-upload naman sa isang “dark web” sa nakalipas na magdamag.
Gumamit ang hackers ng kaparehong forum upang idetalye ang kanilang ransom demand.
Ayon sa post ng anonymous hackers sa forum, “Society ask us about ransom, it’s 10 million USD. We can make discount… $1 = 1 customer.”
Paulit-ulit namang tumanggi ang Medibank na bayaran ang hackers.
Sinabi ni chief executive David Koczkar, “The release of this stolen data on the dark web is disgraceful. The weaponisation of people’s private information in an effort to extort payment is malicious and it is an attack on the most vulnerable members of our community.”
Ayon naman kay Home Affairs Minister Clare O’Neil, “The hackers are scummy criminals. I cannot articulate the disgust I have for the scumbags who are at the heart of this criminal act.”
Ang Medibank ang pinakamalaking private health insurer ng Australia, at malamang na nadamay sa pangha-hack ang pinakamaimpluwensiya at pinakamayayamang indibidwal sa bansa.
Una nang nagbanta ang hackers na ibibenta nila ang data ng isanglibong high-profile Australians kapag hindi binayaran ng kompanya ang hinihinging ransom.
Ang “sample” selection ng customer data na ipinost sa dark web nitong Miyerkoles ay kinabibilangan ng mga pangalan, araw ng kapanganakan, passport numbers at mga impormasyon sa medical claims para sa daan-daang customers.
© Agence France-Presse