Half day nalang ang klase sa Maynila simula sa Huwebes
Dahil sa banta nang mapanganib na antas ng heat index, lahat ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila ay magiging half day na lamang.
Sa inamyendahang Memorandum na inilabas ng Schools Division Office ng Maynila, nakasaad na mula Abril 11 hanggang Mayo 28 ng taong ito ay magiging 6:00 am hanggang 12noon na lang ang klase.
Dahil rito, pinapayuhan ang mga eskuwelahan na magpatupad ng recalibration ng class schedules kasama rito ang pagpapatupad ng blended learning mode.
Sa kabila nito, obligado parin namang pumasok sa eskuwelahan ang mga guro para sa online teaching at paghahanda ng activity sheets ng mga estudyante.
Madelyn Villar – Moratillo