Halftime show ng Super Bowl, pangungunahan ni Rihanna
Ang superstar na si Rihanna ang magiging tampok sa Super Bowl halftime show sa Pebrero.
Ang hakbang ay tanda ng matagal nang hinihintay na pagbabalik ng singer para mag-perform, na una na nitong tinanggihan.
Ayon sa tweet ng event sponsor na Apple Music, “It’s on. Rihanna will take the stage for the first ever Apple Music Super Bowl Halftime Show on 2.12.23.”
Si Rihanna at ang NFL ay nag-tweet din ng kaparehong mensahe.
Matatawag na “about-face” para sa 34-anyos na singer ang magiging performance niya sa Super Bowl, dahil noong 2019 ay may lumabas na mga kumpirmadong ulat na inayawan niya ang alok ng National Football League (NFL) na mag-perform sa halftime show bilang pakikiisa sa dating player na si Colin Kaepernick.
Si Kaepernick, na hindi na naglaro sa NFL mula nang magpasyang talikuran ang kaniyang kontrata sa San Francisco 49ers noong March 2017, ay nagsimulang iluhod ang isa niyang tuhod bilang protesta sa social injustice at racial inequality sa pre-game renditions ng US national anthem, anim na taon na ang nakararaan.
Ang Super Bowl performance ni Rihanna ay kasunod ng isang choreographed 2022 halftime show, na katatampukan ng rap legends kabilang sina Dr. Dre, Snoop Dog at Eminem.
Ang 2022 Super Bowl, ay pinanood ng 112.3 million viewers sa telebisyon at streaming platforms.
© Agence France-Presse