Halos 1000 bilibid inmates nailipat na sa ibang regional prisons
Kabuuang 997 preso mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang nailipat na sa ibang penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor) sa probinsya.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat na isinumite ng BuCor sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., mula sa nasabing bilang, 497 inmates ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm habang ang 500 bilanggo ay sa Sablayan and Prison and Penal Farm.
Kabilang aniya sa mga na-transfer ang lahat ng Chinese drug lords.
Isinumite na ng BuCor sa DOJ ang long term development plan ng kawanihan.
Target naman ng BuCor na pagdating ng 2028 ay maisara na ang Bilibid at mailipat na ang lahat ng PDLs sa regional prisons.
Sa ngayon ay nakikipag-usap na aniya ang kawanihan sa Department of National Defense (DND) at iba pang organisasyon sa lugar na maaaring pagtayuan ng regional prison faciilities.
Moira Encina