Halos 200 katao nasawi sa Turkey at Syria, matapos tumama ang 7.8-magnitude na lindol
Higit sa 200 katao ang nasawi sa Turkey at Syria matapos tumama ang malaking 7.8-magnitude na lindol ngayong Lunes, na nagpaguho sa mga gusali habang ang mga tao ay natutulog pa, na ang yanig ay naramdaman hanggang sa isla ng Cyprus at Egypt.
Ayon sa emergency service sa Turkey, 76 ang paunang naitalang namatay bagama’t nagbabala na mas tataas pa ang bilang dahil ang pagyanig ay nagpadapa sa dose-dosenang mga apartment block sa magkabilang panig ng mga pangunahing siyudad.
Ayon sa Syrian health ministry at isang local hospital, hindi bababa sa 245 katao ang nasawi sa bahagi ng Syria na kontrolado ng gobyerno, at maging sa hilagang bahagi na kontrolad ng pro-Turkish factions.
Sinabi ng US Geological Survey (USGS), na ang lindol ay tumama alas-4:17 ng umaga (local time) sa lalim na nasa 17.9 kilometro (11 milya), malapit sa Tukish city ng Gaziantep, na tahanan ng humigit-kumulang dalawang milyong katao.
Ayon naman sa AFAD emergencies service centre ng Turkey, ang lindol ay may magnitude na 7.4, at sinundan ito ng higit sa 40 aftershocks.
Ang lindol ay isa sa pinakamalakas na tumama sa rehiyon ng hindi bababa sa isang siglo, na nakaapekto sa southeastern parts ng Turkey na tahanan ng milyun-milyong refugees mula sa Syria at iba pang bahagi ng mundo na nakararanas ng giyera.
Sa kaniyang tweet ay sinabi ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan, “We hope that we will get through this disaster together as soon as possible and with the least damage and I urged for national unity.”
Ayon naman kay US National Security Advisor Jake Sullivan, “Washington was ‘profoundly concerned.’ We stand ready to provide any and all needed assistance.”
Ang lindol ay tumama sa isang maligalig at dominado ng Kursdish na lugar sa Turkey malapit sa Syria, isang bansa na higit isang dekada nang nakararanas ng karahasan na ikinasawi na ng daang libong katao at ikinawala ng matitirhan ng milyun-milyon.
Makikita sa telebisyon ang rescuers habang naghuhukay sa guho ng mga gusaling bumagsak sa siyudad ng Kahramanmaras at katabing Gaziantep, kung saan ang buong bahagi ng lungsod ay nawasak. Gumuho rin ang mga gusali sa lungsod ng Adiyaman, Malatya at Diyarbakir.
Sinabi ni Kahramanmaras Governor Omer Faruk Coskun, na masyado pang maaga para magbigay ng pagtaya sa bilang ng mga nasawi dahil napakaraming mga gusali ang nasira.
Aniya, “It is not possible to give the number of dead and injured at the moment because so many buildings have been destroyed. The damage is serious.”
Isang sikat na moske na noong 13th century pa itinayo ang bahagyang gumuho sa lalawigan ng Maltaya, kung saan isang 14 na palapag na gusali na may 28 apartments ang bumagsak din.
Sa iba pang mga siyudad, halos magalit na ang mga rescuer dahil nahihirapan silang maabot ang mga survivor na na-trap sa ilalim ng debris.
Ayon sa isang rescuer na nasa harap ng isang bumagsak na gusali sa siyudad ng Diyarbakir, “We hear voices here — and over there, too. There may be 200 people under the rubble.”
Iniulat ng Syrian health ministry na may damages sa magkabilang panig ng mga lalawigan ng Aleppo, Latakia, Hama at Tartus, kung saan umuupa ang isang naval facility ng Russia.
Sinabi ni Raed Ahmed, pinuno ng National Earthquake Centre ng Syria, “This was ‘historically’ the biggest earthquake recorded in the history of the centre.”
Hinimok naman ni Naci Gorur, isang earthquake expert sa Academy of Sciences ng Turkey ang mga lokal na opisyal, na agad siyasatin ang mga dam ng rehiyon at tingnan kung nagkaroon ng mga crack upang mapigialn ang posibleng “catastrophic floodings.”
Ang Turkey ay nasa isa sa pinaka-aktibong earthquake zones ng mundo.
Ang Turkish region ng Duzce ay dumanas ng isang 7.4-magnitude na lindol noong 1999, ang pinakamalalang tumama sa Turkey sa loob ng maraming dekada na ikinasawi ng higit sa 17,000 people, kabilang ang humigit0kumulang 1,000 sa Istanbul.
© Agence France-Presse