Halos 200 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa masamang panahon
Halos 200 pasahero ang stranded sa ilang pantalan sa bansa dahil sa masamang panahon.
Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard, kabuuang 183 pasahero mula sa Palawan, Bicol at Southern Tagalog ang hindi nakabyahe.
Pinakamarami sa mga stranded passengers ay sa Pasacao Port sa Camarines Sur na umaabot sa 75; sumunod ang 51 pasahero sa El Nido pier; 38 sa Coron Pier at 19 sa Rio Tuba port.
Hindi naman nakapaglayag ang apat na barko sa Palawan at anim na motorbanca sa Batangas bunsod din ng sama ng panahon dala ng bagyo.
Samantala, ipinauubaya ng Korte Suprema sa mga Executive Judge ng mga trial courts sa labas ng Metro Manila ang pagpapasya kung sususpendihin ang pasok sa mga hukuman nilang nasasakupan.
Ulat ni Moira Encina