Halos 23 milyong mahihirap na Pinoy na nasa ECQ areas, makikinabang sa inaprubahang ayuda ng Gobyerno
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Supplemental Amelioration Program (SAP) na magkakaloob ng tulong pinansyal o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng panibagong lockdown sa NCR plus.
Ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, aabot sa 22.9 million na low income individuals ang makikinabang.
Sa nasabing programa, bibigyan ng gobyerno ng tig-1,000 piso ang mga natukoy na indibidwal sa ilalim ng fole out program kung saan maaaring mabigyan ang hanggang apat na miyembro ng isang pamilya.
Ibibigay aniya ng DBM ang pondo sa mga Local Government Unit na sakop ng NCR plus bubble para sa distribusyon ng pondo.
Nagpasalamat naman si Senador Bong Go sa pag-apruba ng Pangulo sa kaniyang rekomendasyon.
Iginiit ng Senador na habang limitado ang galaw ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng sakit, limitado rin ang kita at pagkain ng kanilang pamilya.
Nangangahulugan lang aniya ito ng pagtaas rin ng bilang ng mga nagugutom.
Ang paglagda sa SAP ay ginawa ng Pangulo kagabi sa kaniyang regular “Talk to the Nation”.
Meanne Corvera