Halos 3K bagong kaso ng COVID-19, naitala sa CALABARZON
Umakyat sa 22,004 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Region IV-A.
Ito ay makaraang makapagtala ng halos 3,000 bagong kaso ng sakit at bagong gumaling na mahigit 1,000 pasyente sa CALABARZON nitong August 17.
Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 2,929 ang nadagdag na kaso ng virus habang may bagong recoveries na 1,079.
Dahil dito, umabot na sa 230,599 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID-19 at nakarekober ang mahigit 201,000.
Pumanaw rin ang panibagong 78 COVID patients kaya nasa 6,900 na ang namatay bunsod ng sakit.
Ang Laguna ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso na mahigit 1,000 at sumunod ang Cavite na nasa 800.
Patuloy ang paalala ng DOH CALABARZON officials na mahigpit na sundin ang health protocols at magpabakuna laban sa COVID upang magkaroon ng dagdag na proteksyon.
Moira Encina