Halos 500 vials ng Tocilizumab na ginagamit sa treatment ng COVID-19 patients dumating na sa Maynila
Dumating na ang halos 500 vials ng Tocilizumab na binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ang Tocilizumab ay kasama sa mga pinag aaralan na posibleng gamot sa COVID -19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang nasabing gamot ay gagamitin sa mga pasyente na naka confine sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lungsod residente man o hindi sa Maynila.
Nabatid na ang mga karagdagang vials ng Tocilizumab ay binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila para mapalakas ang kanilang COVID-19 response.
Aabot umano sa 13 milyong piso ang inilaan ng Manila LGU para sa pagbili nito.
Madz Moratillo
Please follow and like us: