Halos 60 patay sa baha sa South Africa

       A general view of a crack in the road following heavy rains and winds in Durban, on April 12, 2022.  
(Photo by PHILL MAGAKOE / AFP)

Inihayag ng mga awtoridad na umakyat na sa 59 ang mga namatay dahil sa baha at mudslides, matapos ang pagtama ng bagyo sa South African port city ng Durban at mga nakapaligid na lugar sa KwaZulu-Natal province.

Sa forecast ng South African meteorologists, makararanas pa ng mas malalakas na mga pag-ulan Martes ng gabi, nguni’t inasahang hihina na ito pagdating ng Miyerkoles.

Sa pahayag ng provincial government . . . “Many people lost their lives with Ethekwini (Durban metro) alone reporting 45, while in iLembe district more than 14 …have tragically lost their lives. The disaster wreaked untold havoc and unleashed massive damage to lives and infrastructure affecting all races and classes from rural areas, townships to luxury estates.

Ayon naman kay President Cyril Ramaphoa na bumisita sa Durban nitong Miyerkoles . . . “This is a tragic toll of the force of nature and this situation calls for an effective response by government.”

People dig for a Muslim worshipper believed to be trapped after a local mosque collapsed following heavy rains and winds in Durban, on April 12, 2022.  (Photo by RAJESH JANTILAL / AFP)

Nagpaabot naman ng taos pusong pakikiramay sa mga pamilyang namatayan bunga ng matinding pagbaha, ang African Union Commission chief na si Moussa Faki Mahamat.

Ilang lugar ang binaha, may mga bahay at imprastrakturang nawasak sa magkabilang panig ng southeastern city, habang napilitan namang magsuspinde ng train services sanhi ng landslides.

Sinuspinde rin ng public logistics firm ng South Africa na Transnet ang shipping sa Durban terminals, maging ang global shipping firm na Maersk sanhi ng mga pagbaha.

Higit dalawang libong mga bahay at apat na libong “informal” homes, o shacks, ang nasira ayon kay provincial premier Sihle Zikalala.

A general view of a damaged fuel tanker at the Blue Lagoon beach following heavy rains and winds in Durban, on April 12, 2022. (Photo by RAJESH JANTILAL / AFP)

Sa tulong naman ng rescue operations, sa pangunguna ng militar ay nailikas ang mga taong na-trap sa mga apektadong lugar.

Higit 140 mga eskuwelahan ang naapektuhan ng baha. Maging ang power stations ay binaha rin at naantala ang serbisyo ng tubig.

Ang siyudad ay kababangon pa lamang mula sa mga nangyaring riots noong July, kung saan maraming shopping malls ang ninakawan at mga warehouse na sinunog, sa isa sa pinakamalalang kaguluhang nangyari sa South Africa mula nang magwakas ang apartheid.

Please follow and like us: