Halos 60,000 pulis idineploy ng PNP para sa Labor Day celebration

Nag-deploy ng nasa kulang 60,000 police personnel ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para matiyak ang mapayapang selebrasyon at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa harap ng mga inaasahang kilos protesta ngayong Labor Day.

Pinaalalahanan din ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda ang mga pulis na siguruhin naipatutupad ang maximum tolerance at irerespeto ang karapatang pantao ng bawat makikilahok sa mga protesta.

Ipinatitiyak din ng PNP chief na nasusunod ng mga pulis ang mga umiiral na patakaran sa kanilang police operational procedure.

Nakipag-ugnayan na rin daw ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno para maging maayos at mapayapa ang selebrasyon.

Pinayuhan naman ng pulisya ang mga makikilahok sa mga protesta na sumunod sa mga ipinatutupad na security protocol at huwag gagawa ng mga bagay na labag sa batas.

Muli rin nilang hinikayat ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa awtoridad sa pamamagitan ng pagiging alerto sa kanilang paligid.

Nagpaalala rin ang PNP na agad ipagbigay-alam sa mga pulis ang mga kahina-hinalang kilos ng mga taong maaring samantalahin ang pagkakataon para magsimula ng kaguluhan.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *