Halos 700 biktima ng human trafficking nasagip ng Anti-Trafficking Task Forces ngayong taon
Umaabot sa 657 biktima ng human trafficking ang nasagip ng mga otoridad ngayong taon.
Doble ito sa rescued victims noong 2020 na 317.
Batay sa report ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT), tumaas ang bilang ng mga nailigtas na biktima ng Anti-Trafficking Task Forces ngayong 2021 dahil na rin sa dumoble ang assisted operations ng mga otoridad.
Ang mga nasagip na trafficking victims ay bunga ng 66 na successful operations ng task forces ngayong taon.
Ayon sa IACAT, ang isa sa notable rescue operation ay ang pagkakaharang ng mga otoridad sa 303 Badjaos mula sa Zamboanga at Basilan na dumating sa Manila North Harbor noong Hunyo.
Mula sa nasabing bilang, 110 ay menor de edad.
Nagresulta naman sa pagkakadakip ng 41 suspek ng trafficking ang mga operasyon ng task forces ngayong 2021.
Moira Encina