Halos dalawang milyong katao sa Russia at Ukraine nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa bagyo
Halos dalawang milyong katao sa Russia at Ukraine ang nawalan ng suplay ng kuryene, matapos maputol ang mga linya sanhi ng malakas na hangin at ulang dala ng bagyo na nagdulot din ng malawakang pagbaha.
Hinampas ng malalaking alon ang tabing-dagat sa baybayin ng Black Sea sa Russia, kung saan sa ibang mga lugar ay umabot ng higit sa 140 kilometro (nasa 90 milya) bawat oras ang bilis ng hangin.
Hindi bababa sa apat katao ang namatay habang nananalasa ang bagyo ayon sa local media.
Dalawang katawan ang natagpuan sa southern Krasnodar region sa Russia, habang isang sailor naman ang namatay sa Kerch Strait sa pagitan ng Crimea at Russia, batay sa ulat ng state media.
Sinabi naman ni Oleg Kryuchkov, isang adviser sa Russian-installed governor ng rehiyon na si Sergei Aksyonov, “One man on the Russian-annexed Crimean peninsula’s southern coast was also killed. The man went out to look at the waves and, unfortunately, tragically died.”
Ayon sa energy ministry ng Russia, “About 1.9 million people were affected by power cuts in the southern Russian regions of Dagestan, Krasnodar and Rostov, as well as the occupied Ukrainian territories of Donetsk, Lugansk, Kherson, Zaporizhzhia and Crimea.”
Sabi ni Aksyonov, umaasa ang rescue workers na maibabalik na ang suplay ng kuryente sa susunod na dalawang araw sa Crimea, na isa sa pinakagrabeng naapektuhang rehiyon.
Sa kaniya namang pahayag sa state television, sinabi ng Crimean lawmaker na si Vladimir Konstantinov, “The peninsula had experienced an armageddon-like scenario. Old-timers can’t remember this kind of wind and waves.”
Samantala, isinara ang bahagi ng coastal highway ng Crimea na nagdurugtong sa mga siyudad ng Yevpatoria at Simferopol dahil sa mga pagbaha, at sinuspinde rin ang biyahe ng ferry mula sa Sevastopol, ang pinakamalaking lungsod sa Crimea.
May 500 marine animals sa Sevastopol aquarium ang namatay habang nananalasa ang bagyo, na nagpabaha sa isa sa mga palapag nito.
Naapektuhan din maging ang Ukrainian mainland at southern Russia.
Naantala ang biyahe ng mga tren sa Black Sea coast sa Russia matapos malaglag sa dagat ang mga riles, habang sinuspinde naman ang pagkakarga ng langis sa port of Novorossiysk.
Sa Kyiv ay mahigit sa 2,000 mga bayan at villages ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa masamang lagay ng panahon sa Ukrainian mainland, kung saan umabot sa 25 sentimetro o sampung pulgada ang yelo.
Sinabi ng interior ministry ng Ukraine, “In total, 2,019 settlements in 16 regions are cut off from the grid.”
Sa southern city of Odesa, na paulit-ulit na sinalakay ng Russia, sinabi ng mga awtoridad na tinulungan nila ang 1,624 kataong na-trap dahil sa snow.
Ayon sa regional authorities, ang temperatura ay umabot sa “below freezing,” at napaulat na ang pagbugso ng hangin ay umabot din hanggang 72 kilometro (44 milya) bawat oras.
Ang energy grid ng Ukraine, ay lagi nang target ng Russian forces simula nang sumalakay ang Moscow noong isang taon, at ang mga opisyal ay nagbabala na ang mga pag-atake ay maaaring tumindi pa sa panahon ng taglamig.