Halos P32-M halaga ng outboard engines, ibinigay ng US sa PNP-Maritime Group sa Palawan
Nagkaloob ang US government sa PNP Maritime Group ng Php31.5 milyong halaga ng equipment para suportahan ang maritime law enforcement operations ng bansa.
Ang donasyon ay mula sa International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL) ng Department of State Bureau.
Si U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava ang nanguna sa ceremonial turnover ng mga outboard motors sa Special Operations Units o SOU ng Maritime Group sa Honda Bay sa Palawan.
Kabuuang 18 outboard motors ang ibinigay ng Amerika.
Ang 12 sa mga ito ay ginamit sa pag-restore sa operasyon ng anim na patrol boats ng SOU sa Palawan at sa Bongao, Tawi Tawi, at ang anim na iba pa ay spare engines.
Si Variava ay dalawang araw na bumisita sa Palawan kung saan nakipagpulong siya sa provincial at city government officials at mga nasa security at environmental sectors.
Moira Encina