Hamas leader na si Sinwar napatay ng Israeli troops sa Gaza
Napatay ng Israeli forces sa Palestinian enclave, ang lider ng Hamas na si Yahya Sinwar, ang utak sa Oct. 7, 2023 attack na nagpasiklab sa Gaza war.
Ang pagkakapatay kay Sinwar ay tanda ng napakalaking tagumpay para sa Israel, at isang mahalagang kaganapan sa isang taon nang hidwaan.
Sinabi naman ng western leaders na ang pagkamatay ng Hamas leader ay nagbibigay-daan sa isang oportunidad para matapos na ang giyera, ngunit ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, magpapatuloy pa ito.
A person that Israeli army says is Hamas chief Sinwar is seen in Tal Al-Sultan, in this screengrab from a handout video obtained on October 17, 2024. Israel Defense Forces/Handout via REUTERS
Ayon sa Israeli military, napatay si Sinwar sa isang operasyon sa southern Gaza Strip, “After completing the process of identifying the body, it can be confirmed that Yahya Sinwar was eliminated.”
Wala namang agad na komento mula sa Hamas, ngunit ayon sa sources ng militanteng grupo, ang mga indikasyon mula sa Gaza ay nagpapahiwatig na si Sinwar ay napatay sa isang Israeli operation.
Sa Israel, sinabi ng mga pamilya ng mga hostage na hawak ng Hamas sa Gaza, na umaasa sila para sa isang ceasefire upang mapauwi na ang mga bihag, ngunit nangangamba pa rin para sa kanilang mga mahal sa buhay na maaari anilang mas lantad ngayon sa panganib.
Sa Gaza, na isang taon nang inaatake ng Israeli forces, sinabi ng mga residente na naniniwala silang magpapatuloy pa ang giyera, ngunit umaasa pa rin.
Sinabi ni U.S. President Biden, na nakipag-usap kay Netanyahu sa pamamagitan ng telepono para batiin siya, gayundin ang French President na si Emmanuel Macron, na ang pagkamatay ni Sinwar ay nagbigay ng pagkakataon para sa mahigit isang taon nang labanan sa Gaza para tuluyan nang matapos, at para maiuwi na ang mga bihag.
Ayon kay U.S. State Department spokesperson Matthew Miller, “The U.S. wants to kickstart talks on a proposal to achieve a ceasefire and secure the release of hostages. Sinwar is the “chief obstacle” to ending the war.”
Aniya, “That obstacle has obviously been removed. Can’t predict that that means whoever replaces (Sinwar) will agree to a ceasefire, but it does remove what has been in recent months the chief obstacle to getting one. In recent weeks, Sinwar had refused to negotiate at all.”
Sa kaniya namang pagsasalita sa Jerusalem ilang sandali makaraang makumpirma ang pagkamatay ng Hamas leader, ay sinabi ni Netanyahu. “Sinwar’s death offered the chance of peace in the Middle East, but the war in Gaza was not over and Israel would continue until its hostages were returned.”
Dagdag pa niya, “Today we have settled the score. Today evil has been dealt a blow but our task has still not been completed. To the dear hostage families, I say, This is an important moment in the war. We will continue full force until all your loved ones, our loved ones, are home.”
Sinabi naman ni Israeli Foreign Minister Israel Katz, “This is a great military and moral achievement for Israel. Sinwar is a “mass murderer who was responsible for the massacre and atrocities of Oct. 7, the Hamas-led attack on Israel that unleashed the assault on Gaza.”
Ayon sa pinuno ng militar ng Israel na si Lieutenant General Herzi Halevi, ang pagtugis ng Israel kay Sinwar sa nakalipas na taon ang nagtulak dito upang paulit-ulit na magbago ng lokasyon.
Aniya, “Soldiers had come upon Sinwar during a regular operation without knowing he was there, unlike other operations against militant leaders based on comprehensive intelligence.”
Sa ulat ng Israeli Army Radio, ang Hamas leader ay napatay sa isang ground operation sa siyudad ng Rafah sa southern Gaza, kung saan tatlong militante ang napatay ng Israeli troops na ang mga bangkay ay kanilang kinuha.
Hamas Gaza chief Yahya Sinwar gestures during an anti-Israel rally in Gaza City, May 24, 2021. REUTERS/Mohammed Salem/File Photo
Si Sinwar, na itinalaga bilang overall leader ng Hamas kasunod ng asasinasyon sa kanilang political chief na si Ismail Haniyeh sa Tehran noong Hulyo, ay pinaniniwalaang nagtatago sa mga tunnel ng Hamas na itinayo sa ilalim ng Gaza sa nakalipas na dalawang dekada.
Sa kabila ng pag-asa ng mga taga Kanluran tungkol sa isang tigil-putukan, ang pagkamatay ni Sinwar ay maaaring magpalala pa sa mga labanan sa Gitnang Silangan, kung saan ang posibleng mas malawak na hidwaan ay lumaki.
A projectile is seen in the sky after Iran fired a salvo of ballistic missiles, amid cross-border hostilities between Hezbollah and Israel, as seen from Tel Aviv, Israel, October 1, 2024. REUTERS/Ammar Awad/File Photo
Ang Israel ay naglunsad ng isang ground campaign sa Lebanon sa nakalipas na buwan at ngayon ay nagpaplanong tumugon sa Oct. 1 missile attack ng Iran, na ka-alyado ng Hamas at ng Hezbollah ng Lebanon.
Subalit ayon sa Gaza health authorities, ang pagkamatay ng Hamas leader na siyang nagplano ng Oct. 7 attack noong isang taon, ay maaaring makatulong din upang itulak ang naudlot na mga pagsisikap upang wakasan na ang digmaan.
Itinuturing na isang “ruthless enforcer,” si Sinwar na isinilang noong 1962 at dating naatasang parusahan ang mga Palestino na hinihinalang impormante para sa Israel, ay gumawa ng pangalan bilang isang “prison leader.”
Yahya Sinwar, Gaza Strip chief of the Palestinian Islamist Hamas movement, waves to Palestinians during a rally to mark the annual al-Quds Day (Jerusalem Day), in Gaza, April 14, 2023. REUTERS/Ibraheem Abu Mustafa/File Photo
Sumikat siya bilang isang street hero sa Gaza matapos magsilbi nang mahigit 20 taon sa isang kulungan sa Israel, sa pamamagitan nang pagiging utak sa pagdukot at pagpatay sa dalawang sundalong Israeli at apat na Palestinians.
Nakalabas siya noong 2011 bilang bahagi ng pagpapalaya sa mahigit isanglibong mga bilanggo kapalit ng isang dinukot na Israeli soldier na ikinulong sa Gaza. Si Sinwar pagkatapos ay agad na umakyat sa top ranks ng Hamas. Dedikado siyang puksain ang Israel.
Ang Israel ay nakapatay na ng ilang commanders ng Hamas sa Gaza, maging ng senior figures ng Iran-allied Hezbollah sa Lebanon, na nagsilbing malaking dagok sa kanilang kaaway.
Ngunit ang mga pagpatay ay nagdulot ng malaking katanungan tungkol sa kahihinatnan ng mga bihag na nasa kamay pa ng Hamas. Si Sinwar ay naging bahagi ng mga negosasyon na maaaring maging daan sa pagpapalaya sa mga ito.
Sinabi naman ng mga pamilya ng Israeli hostages, na habang ang pagkakapatay kay Sinwar ay isang “mahalagang tagumpay,” hindi ito makukumpleto hangga’t ang mga bihag ay nasa Gaza pa.