Hamas nagbantang papatayin ang hostages kung magpapatuloy ang airstrikes ng Israel
Nagbanta ang Palestinian militant group na Hamas, na bumihag ng nasa 150 katao nang sorpresa nilang salakayin ang southern Israel, na papatayin nila ang mga ito kapag nagpatuloy ang air strikes ng Israel sa Gaza.
Ang banta ay ginawa matapos magpatupad ng Israel ng isang “total siege” sa Gaza Strip, kung saan pinutol nito ang suplay ng tubig na nagdulot ng pangamba sa UN sa lalong paglala ng hindi na magandang humanitarian situation doon.
Ang Israel ay patuloy sa pambobomba sa mga target bilang tugon sa sorpresang pagsalakay ng Hamas, na inihalintulad nito sa 9/11 attacks.
Sa bilang ng Israel ay 800 na ang namatay. Naglunsad naman sila ng sunod-sunod na pag-atake sa Gaza na ikinasawi na ng 560.
Inaangkin ng Hamas na apat sa hostages ang namatay dahil sa air strikes ng Israel, at kalaunan ay sinabi na maaaring sila na rin mismo ang gumawa ng pagpatay sa mga bihag.
Ayon sa pahayag ng Ezzedine al-Qassam Brigades, ang armed wing ng Hamas, “Every targeting of our people without warning will be met with the execution of one of the civilian hostages.”
Una nang nagbanta si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, “What Hamas will experience will be difficult and terrible … We are going to change the Middle East. This is only the beginning. We will defeat them with force, enormous force.”
Naglunsad naman ang Hamas ng marami pang rockets hanggang sa Tel Aviv at Jerusalem, kung saan pinawalan ang missile defence systems at pinatunog ang air raid sirens.
Ayon sa Israel, ipinatawag nila ang 300,000 army reservists para sa kanilang “Swords of Iron” campaign, at ang truck convoys ay magdadala naman ng mga tangke sa timog, kung saan naroroon ang kanilang puwersa upang palayasin ang Hamas fighters.
Sinabi ni Libby Weiss, isang tagapagsalita ng Israeli military, “Some Hamas militants ‘are still there right now,’ after about 1,000 militants had penetrated the region on the Jewish Sabbath.”
Ayon kay Defence Minister Yoav Gallant, “Israel would impose a ‘complete siege’ on the long-blockaded enclave and this would mean that the 2.3 million people will have no electricity, no food, no water, no gas — it’s all closed.”
Nagbabala naman si United Nations Secretary-General Antonio Guterres, na lalo lamang itong magpapalala sa hindi na magandang ‘humanitarian situation’ sa Gaza.
Aniya, “Now it will only deteriorate exponentially.”
Naghahanda naman ang mga Palestinian sa coastal territory para sa pinangangambahan ng marami na isang malawakang Israeli ground attack, na ang layunin ay talunin ang Hamas at palayain ang hostages.
Ang Israel, na matagal nang ipinagmamalaki ang sarili na may “high-tech military at intelligence edge” sa marami na nilang kinasangkutang hidwaan, ay nayanig sa sorpresang pag-atake ng Hamas.
Nahaharap ito ngayon sa banta ng isang multi-front war matapos maglunsad ang Hezbollah ng mga guided missile at artillery shell mula sa hilaga bilang “pakikipagkaisa” sa Hamas.
Kalaunan ay inako naman ng Palestinian militant group na Islamic Jihad ang responsibilidad para sa hindi natuloy na pagpasok ng Lebanon sa Israel.
Ayon sa Hezbollah, tatlo sa kanilang mga miyebro ang nasawi sa isang Israeli strike sa south Lebanon watchtower.
Sinabi ng Israeli officials, na kabilang sa mga binihag ng Hamas at dinala pabalik sa Gaza ay mga bata at isang Holocaust survivor na naka-wheelchair.
Ayon kay army spokesman Jonathan Conricus, “Never before have so many Israelis been killed by one single thing, let alone enemy activity in one day. The multi-pronged attack had brought ‘by far the worst day in Israeli history,’ like a combination of the 9/11 and Pearl Harbour attacks.”
Hinarangan ng Israel ang Gaza mula nang kontrolin ito ng Hamas noong 2007, na nagresulta na rin sa apat na digmaan bago ang pinakahuling pag-atake ng Hamas nitong Sabado.
Napinsala naman sa Israeli strikes ang mga residential tower block, isang malaking mosque at pangunahing bank building ng teritoryo.
Mahigit sa 120,000 katao sa Gaza ang na-dsiplace ayon sa United Nations.
Iniulat din ng Brazil, Britain, Cambodia, Canada, France, Germany, Ireland, Mexico, Nepal, Panama, Paraguay, Russia, Thailand, Ukraine at Estados Unidos, ang pagkamatay, pagdukot o pagkawala ng mga dayuhan o dual citizens.
Sinabi ng Arab League na magsasagawa ang kanilang foreign ministers ng isang extraordinary meeting ngayong Miyerkoles upang talakayin ang “Israeli aggression”.
Nagsagawa rin ng pulong nitong Lunes ang mga lider ng Britain, US, France at Germany.
Ayon kay German Chancellor Olaf Scholz, “This ‘must not be allowed’ to become a conflagration in the region.”