Kumusta?

Happy ba tayo?

Alam ba ninyo lumalabas sa pag-aaral na kapag masayahin ang isang tao mas mainam na kasama, mas productive?

Bibigyan namin kayo ng tips, para happy tayong lahat.

Sa kuwentuhan namin ni Happiness Coach Jimmy Belleza, ang banggit niya ay maganda to start the day right!

Ibig sabihin sa tuwing gigising maging mapagpasalamat, puno ng appreciation.

Tingnan natin ang bawat araw na isang oportunidad.

Magsilbing aral para sa atin ang panahon ng pandemya.

Maraming nawalan ng trabaho, nagsarang negosyo, nawalan ng mahal sa buhay, kaya hindi dapat na maging maselan pa, isiping mapalad tayo kapag may hanapbuhay, i-appreciate natin.

Sa tuwing papasok sa trabaho, ihanda ang sarili, isipin ang mga bagay na ginagawa sa work na nakakapag-excite sa atin.

Mahalagang magset ng daily goals, mga task na dapat i-accomplish, take note, in an excellent way.

Mainam na looking forward tayo sa sense of accomplishment.

Sa ganitong paraan, makapaghahatid ito ng happiness sa atin.

Kapag natapos ang isang gampanin, may sense of accomplishment.

Hindi ba’t masaya sa damdamin na may natatapos ka?

Maaari ka pang humanap ng ibang gagawin para mabreak din naman ang monotony.

Kapag kasi iyun at ‘yun ang ginagawa, sometimes, we feel bored, tama?

Look for fun, something na may passion tayong gawin.

Para kay Coach Jimmy, mahalagang matutuhan ang multi-tasking.

Makatutulong to build friendship, kapag happy tayo sa kasama natin sa trabaho, nakadaragdag ng excitement para pumasok.

Maiisip na kahit may personal problem malaking bagay na merong makakausap.

Ang pakiramdam na pinapahalagahan ka ng kasama sa trabaho ay nagbibigay ng positive work experience.

Huwag ikabahala kapag nahihirapan sa work o hindi alam kung paano gagawin ang trabaho, ask assistance sa workmates.

Kaya nga mahalaga na maganda ang relationship sa boss, mas easy ang work kapag nagkakatulong-tulong.

Sabi pa ni Coach, that most employees ay nagreresign dahil hindi sila masaya, hindi dahil sa pera.

Bukod pa dito, hindi nawawala ang stressor sa trabaho, tanggapin na bahagi ito ng paggawa natin.

Ang payo niya ipractice ang “art of dedma” pagtuunan ang work.

At the end of the day, mahalagang nagampanan natin nang maayos ang ating gampanin.

Magandang makasanayan ang sense of accomplishment, para maiwasan ang tinatawag na beating the deadline.

Panghuli, paalala niya, subukin magpractice ng multi-skilling.

Gumawa ng iba’t ibang bagay para sa creative side.

Mahalaga ito para maiwasan ang boredom at monotony.

Kahit maraming ginagawa, hindi ka makararamdam ng pagod dahil masaya ka.

Please follow and like us: