Harden at Brooks, kapwa nakagawa ng triple-doubles
WASHINGTON, United States (AFP) – Kapwa gumawa ng impresibong triple-doubles sina Russell Westbrook ng Washington at James Harden ng Brooklyn na nakatulong sa NBA victories ng kani-kanilang koponan, at gumawa rin ng sarili nilang kasaysayan sa mundo ng basketball.
Si Westbrook ay nagpakawala ng 35 points, isang career-best 21 assists at 14 rebounds, na nagpalakas sa Wizards laban sa Indiana Pacers, 132-124 para sa ika- 162 triple-double ng kaniyang career.
Iyon ang unang triple-double sa NBA history na may 35 o higit pang points at 20 o higit pang rebounds. Tanging si Magic Johnson at Oscar Robertson lamang ang nakagawa ng triple-doubles ng 30 points, 20 rebounds at 10 assists.
Sinabi ni Westbrook na . . . “I take pride as a leader in making my teammates better. Tonight the guys helped me out making shots and keeping it movin.”
Iyon na ang ika-16 na triple-double ni Westbrook kasama ang Wizards, ang 32-anyos na US guard ay nagtakda ng isang club one-season record sa ika-38 pa lamang niyang paglalaro para sa Washington.
Ayon kay Westbrook . . . “Mindset was to go out and be aggressive and make sure I set the table for my teammates like I’ve been doing all year long and make sure they have confidence going into the fourth. When the fourth hits, it’s time to take over.”
Si Rui Hachimura naman ng Japan ay nagdagdag ng 26 points, habang pinangunahan naman ni Domantas Sabonis ang Indiana sa pamamagitan ng 35 points at 11 rebounds.
Samantala sa New York, si Harden ay umiskor ng 38 points, nagpasa ng 13 assists at gumawa ng 11 rebounds, habang si Kyrie Irving ay nagdagdag ng 27 points sa kaniyang pagbabalik sa Nets, na tinalo ang Minnesota sa score na 112-107.
Iyon na ang ika-12 triple-double ni Harden sa 32 games niya kasama ang Nets, kung saan tie na sila ni Jason Kidd sa one-season club record.
Si Irving, na hindi nakapaglaro kasama ng Brooklyn sa nakalipas na tatlong laro dahil sa personal na rason, ay nagdagdag ng seven rebounds, three assists, three steals at isang blocked shot laban sa Timberwolves (11-36).
Si Kevin Durant naman ng Brooklyn ay hindi pa rin makapaglalaro ng isa pang linggo, dahil sa hamstring injury.
© Agence France-Presse