Harry Styles at iba pang bituin nangalap ng pondo para sa WHO sa Ukraine

Harry Styles attends the “Don’t Worry Darling” photo call at AMC Lincoln Square Theater on September 19, 2022 in New York City. Dia Dipasupil/Getty Images/AFP / Dia Dipasupil / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Nagbigay ng personal na bagay ang British music stars na sina Harry Styles at Ed Sheeran, US basketball legend na si Shaquille O’Neal at iba pang mga celebrity, para sa inilunsad na kampanya upang suportahan ang pangangalagang pangkalusugan sa Ukraine.

British singer Ed Sheeran performs at the Platinum Pageant in London on June 5, 2022 as part of Queen Elizabeth II’s platinum jubilee celebrations
HANNAH MCKAY / POOL / AFP

Pitong buwan sa digmaan ng Russia, inilunsad ng WHO Foundation — isang independiyenteng organisasyon na lumilikom ng mga pondo upang suportahan ang gawain ng ahensyang pangkalusugan ng UN sa pagtugon sa mga pandaigdigang krisis sa kalusugan – ang “Human Kind” e-store, kung saan maaaring manalo ang mga tagahanga ng mga item na donasyon ng paborito nilang celebrities.

Ayon sa foundation, ang pondong malilikom ay gagamiting pangsuporta sa mga hakbangin ng WHO sa Ukraine at katabing mga bansa, at sinabing target nitong makaipon ng $53.7 million.

British singer and actor Harry Styles has donated a signed vinyl Tiziana FABI AFP

Si Harry Styles ay nag-donate ng isang signed vinyl, habang si Shaquille O’Neal, Ukrainian footballer Vitaliy Mykolenko at iba pang sports legends ay nag-donate ng signed shirts at jerseys.

Si Wladimir Klitschko, isang dating heavyweight boxing champion at kapatid ng alkalde sa Kyiv, kapitolyo ng Ukraine, ay nag-donate naman ng isang boxing glove.

Ang iba pang celebrities na nagbigay din ng donasyon ay ang British singer na si Ellie Goulding at American artist na si Shepard Fairey.

Sinabi ng British pop legend na si Annie Lennox, na nag-donate ng isang pares ng iconic sunglasses, na ang mga larawan mula sa Ukraine, kabilang na ang larawan ng isang babaeng nagsisilang ng sanggol sa isang basement ay “labis na nakabibigla.”

Scottish singer-songwriter Annie Lennox of the Eurythmics / Angela Weiss / AFP

Aniya, “I encourage everyone to do what they can to support the people of Ukraine through this crisis, healthcare is a human right that all deserve access to.”

Sinabi ng foundation, na ang raffle tickets para sa items ay nagkakahalaga ng nasa pagitan ng £5-10 ($5.40-10.90) sa humankind.who.foundation website at mabibili mula September 24 hanggang October 24, at ang mga mananalo ay nakatakdang bunutin sa October 31.

Ayon kay foundation chief Anil Soni, “Seven months into this tragic war, people are ever more in need of urgent medical care across the country. We must address the immediate and long-term health needs of those affected.”

Simula nang atakihin ng Moscow ang Ukraine noong February 24, na-verify ng WHO ang 550 mga pag-atake sa healthcare ng Ukraine.

Ayon sa WHO, higit 5,900 mga sibilyan ang nasawi, at higit sa 8,600 ang nasaktan, habang higit sa 12 milyong Ukrainian refugees ang kasalukuyang nasa Europe bilang resulta ng giyera.

Samantala, nasa 17.7 milyong katao o higit sa 1/3 ng populasyon ng Ukraine ang nangangailangan ng humanitarian assistance.

Pahayag ng WHO, nakatulong sila sa pagde-deliver ng 1,300 tonelada ng medical supplies sa Ukraine, gaya ng blood transfusion kits, mahahalagang gamot, mga ambulansiya, oxygen, at surgical equipment.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *