Harry Styles, Billie Eilish at Kanye West tampok sa Coachella 2022
Maaaring makansela ang winter events dulot ng Omicron variant ng Covid-19, nguni’t plano pa rin ng Coachella organizers na ituloy ang premier desert festival ngayong Abril, na katatampukan nina Harry Styles, Billie Eilish at Kanye West.
Sa unang pagkakataon ay aawitin ni Styles ang latest single niya na “As It Was.”
Kabilang din sa dose-dosenang performers sa California festival na siyang tradisyunal na simula ng music festival circuit, sina Phoebe Bridgers, Megan Thee Stallion, Stromae, Rich Brian, Doja Cat at Karol G
Hindi nagkaroon ng Coachella simula 2019. Noon namang 2020 ay ipinagpaliban muna ito bago tuluyan nang hindi itinuloy ng organizers at napilitan sila noong 2021 na hindi ulit ito ituloy dahil sa pandemya.
Ang 2022 edition ay nakatakdang ganapin sa April 15-17 at April 22-24, kung saan inaasahang nasa 125,000 festival-goers ang manonod araw-araw.
Sa ngayon, ang entry policy ay proof ng full vaccination o negative Covid test within 72 hours, bago payagang makapasok sa venue.