“ Hatid-Sundo” Program ng Tarlac para sa ROFs, LSIs

Lubos ang katuwaan ng ilang Overseas Filipino Workers ( OFWs ),Returning Overseas Filipinos ( ROFs ) at mga Locally Stranded Individual ( LSI ) dahil sa wakas anila ay muli nilang nakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa lalawigan ng Tarlac.

Ito ay matapos silang sunduin mula sa National Capital Region ( NCR ) ng “ Hatid-Sundo “ team ng Tarlac Provincial Government .  Na-stranded ang mga ito at nais nilang makauwi sa kanilang lalawigan.

Kaya naman noong Agosto 15, 2020, sinundo ang naturang pitong LSI sa pamamagitan ng Philippine Rabbit Bus Lines.

Una rito, nagkaroon ng koordinasyon ang Tarlac Government  sa Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA ) para sa “ efficient documentation “  ng mga susunduin pauwi ng  Tarlac.

Samantala, nagpapatuloy ang  “Hatid Sundo” Program ng Tarlac sa pangunguna ni Governor Susan Yap para sa ROFs at LSIs na stranded sa ibang mga lugar dahil sa ipinaiiral na quarantine dulot na rin ng COVID-19 pandemic.

Nagpapasalamat naman si Yap sa nasabing Bus Lines at sa lahat ng tumutulong upang maitaguyod ang nasabing programa.

Sa panig naman ng mga sinundong LSI at kanilang mga kaanak, ay nagpaabot  ang mga ito ng pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac dahil sa natamo nilang tulong at hindi sila pinabayaan sa panahon ng kanilang pangangailangan.

RNC

Please follow and like us: