Hawaii, niyanig ng 6.2-magnitude na lindol
Isang magnitude 6.2 offshore earthquake ang naitala ng US Geological Survey, sa timogkanluran ng Hawaii, bandang alas-11:48 ng umaga kahapon (Hawaii Standard Time) o alas-5:48 kaninang umaga (Manila Time).
Ang sentro ng lindol ay nasa 27 kilometro sa timog, timogsilangan ng bayan ng Nā’ālehu at may lalim na 35 kilometro.
Kinumpirma ng Department of Transportation ng Hawaii, na walang naging pinsala sa imprastraktura ng mga paliparan, pantalan at kalsada sa isla.
Batay sa Pacific Tsunami Warning Center, hindi nag-trigger ng tsunami ang lindol, at wala ring naobserbahang epekto sa Mauna Loa at Kīlauea volcanoes.
Ayon kay Ken Hon, HVO Scientist-in-Charge . . . “Webcams and other data streams show no impact on the ongoing eruption at Kīlauea except for a few minor rockfalls reported within Halema’uma’u crater. HVO continues to monitor Hawaiian volcanoes for any changes. The alert Levels/Color Codes remain at WATCH/ORANGE for Kīlauea and ADVISORY/YELLOW for Mauna Loa at this time.”
Hindi naman bababa sa 12 aftershocks na nasa pagitan ng 2 at 4 magnitudes ang naranasan matapos ang unang pagyanig.