Head coach ng Charlotte Hornets na si James Borrego, pinatalsik makalipas ang apat na season
Inanunsiyo ng koponan ng Charlotte Hornets na sinibak na nila ang kanilang head coach na si James Borrego makaraan ang apat na season.
Si Borrego ay nayroong 138-163 record sa apat na season na kasama niya ang Hornets. Ang huling tatlong taon niya sa Charlotte ay noong ang franchise ay nagsasagawa ng rebuilding kaugnay ng pag-alis ni Kemba Walker para lumipat sa Boston Celtics noong 2019.
Mula noong 2019-20 campaign, pinangasiwaan ni Borrego ang 10-win improvements para sa Hornets bawat taon. Ang koponan ay naging 33-39 noong 2020-21 mula 23-42 sa season 2019-20. Ang Charlotte ay may 43-39 marka ngayong season.
Tinulungan din ng 44-anyos na si Borrego na ma-develop ang point guard na si LaMelo Ball, na itinanghal na NBA Rookie of the Year noong nakaraang season at All-Star ngayong taon. Bilang karagdagan, sina Miles Bridges at Devonte’ Graham ay parehong nagkaroon ng malaking pagsulong sa ilalim ng Borrego.
Sa isang statement ay sinabi ng general manager ng Hornetsna si Mitch Kupchak . . . “I want to thank J.B. for his hard work and commitment during these past four seasons. Beyond his work as a coach, he is a tremendous person. I wish him and his family the best in the future. These decisions are always difficult. Having said that, we have a talented, young core of players which has me very excited about the future of the Hornets. We will begin the search for our new head coach immediately.”
Ang Hornets ay hindi nakapasok sa playoffs sa loob ng anim na magkakasunod na season. Tatlong ulit lamang na naabot ng Charlotte ang post season sa nakalipas na 18 season mula nang bumalik sa NBA noong 2004.