Head coach ng Spurs na si Popovich, hindi makababalik ngayong season

San Antonio Spurs head coach Gregg Popovich reacts during the second half against the Oklahoma City Thunder at Frost Bank Center. Mandatory Credit: Scott Wachter-Imagn Images/File Photo
Hindi na inaasahang makababalik ngayong season ang San Antonio Spurs head coach na si Gregg Popovich, matapos itong dumanas ng mild stroke noong Nov. 2 ng nakalipas na taon.
Ang interim coach na si Mitch Johnson ang nanguna sa Spurs sa isang 22-27 mark (24-30 overall) habang wala si Popovich.

Spurs head coach Gregg Popovich is the NBA’s all-time leader in wins. | IMAGN IMAGES / VIA REUTERS
Si Popovich ay naging coach ng koponan simula pa noong 1996-97 season, at nanalo na ng limang NBA championships.
Tinaguriang “The winninest head coach” sa kasaysayan ng NBA, sumapit si Popovich sa kaniyang ika-78 taon nitong nakalipas na Enero 28, 2025.
Ayon sa report, sa ngayon ay hindi pa tiyak ang magiging hinaharap ni Popovich bilang coach ng Spurs.