Health advocate group may apila sa mga opisyal ng gobyerno na may planong kumandidato sa 2021 elections ngayong patuloy pa ang banta ng COVID-19
Umapila ang isang health advocate group sa mga opisyal ng gobyerno na may planong kumandidato sa 2021 elections na unahin muna ang kapakanan ng publiko habang umiiral pa ang pandemya dahil sa covid 19.
Giit ni dating Ang Nars Partylist Rep Leah Paquiz, bago ang eleksyon, dapat prayoridad muna ang kalusugan ng publiko.
Partikular na tinukoy ni Paquiz ang pagpapabuti pa ng Covid 19 response para mapababa ang mga kaso ng virus infection.
Una rito pinasaringan rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang pulitiko na nag-iikot na bilang paghahanda sa May 2022 election.
Giit ni Moreno, obligasyon ng mga alkalde na manatili sa kanilang lungsod sa gitna ng malaki pang problema ng bansa dahil sa COVID 19 pandemic kaysa mag-ikot sa iba’t ibang lugar.
Bukod rito, malayo pa naman aniya ang halalan.
Bagamat walang pinangalanan sa mga matunog na pangalan para sa 2022 elections, si Davao City Mayor Sara Duterte ay pinuna ng ilan dahil sa ginagawa nitong pag-iikot ngayon sa iba’t ibang lalawigan.
Sa datos ng OCTA Research Group hanggang noong Hulyo 12, ang Davao City ay patuloy paring nangunguna sa mga lokal na pamahalaan sa labas ng National Capital Region na may pinakamataas na kaso ng Covid-19.
Madelyn Moratillo