Health aides at mga empleyado ng Pasig LGU, tumanggap ng separation pay
Namahagi ng separation pay para sa kanilang health aides at mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Pasig.
Tinanggap ng 73 Pasig Health aides at 73 pang empleyado mula sa iba’t-bang opisina ng lokal na pamahalaan ang nasabing separation o gratuity pay.
Halagang P10,000 ang kanilang tinanggap na separation pay para sa bawat taon mula nang sila ay sumabak sa serbisyo sa ilalim ng LGU at may karagdagang P5,000 para sa mga taon nang sila ay Barangay health worker pa lamang.
Ang mga nakatanggap ng separation pay ay yaong mga may volunteer status na may edad 65 anyos pataas at nasa forced retirement dahil sa pandemya.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, ang separation pay ay bilang pasasalamat umano sa kanilang paglilingkod sa lungsod lalo na sa pagiging health aides ng mga ito.
Dagdag pa ng alkalde, ang mga ito ay nagsilbing pundasyon ng serbisyong pangkalusugan sa mga Barangay Health Center at nakitaan din ng di matatawarang sipag at dedikasyon.
Ulat ni Archie Amado