Health budget ng DR Congo, hindi malaman kung saan napunta
Hindi maipaliwanag ng mga health authority sa DR Congo, kung saan napunta ang milyun-milyong dolyar na para dapat sa pagpapatayo ng hospital buildings at iba pang treatment centers.
Ayon sa Congolese arm ng Publish What You Pay global network na ang primary concern ay ang transparency sa resources sector, tiningnan nila ang 35 sa 77 mga proyekto na pinondohan noong 2019 na nagkakahalaga ng 9.6 billion CFA francs o higit 14.6 million euros ($17.2 million).
Ayon kay Brice Makosso, deputy coordinator ng Congolese coalition . . . “We note a very low execution of the health budget, as no project has been fully completed. We have had difficulty following the projects, we have not been able to see the traceability of funds.”
Ayon sa NGO, isinumite na nila ang kanilang report sa Ministry of Health dalawang linggo bago ito inilathala, ngunit hindi sila nakatanggap ng tugon.
Tumanggi namang magkomento ang isang opisyal ng ministry tungkol dito.
Dagdag pa ni Makosso . . . “The money should have been used, among other things, as part of the cost of building 12 general hospitals. But despite the money having been disbursed and spent, work on the hospitals was at a standstill in 2019.”
Aniya, naglaan din ng pondo mula sa 2017 budget para sa kagamitan sa mga dialysis center, subalit ang nabanggit na mga center ay hindi pa naitatayo.