Health expert nagbabala sa pagsipa ng COVID-19 pagkatapos ng halalan
Isang health expert ang nagbabala tungkol sa posibilidad ng panibagong surge o muling pagsipa ng COVID-19, pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 na tinawag niyang isang ‘superspreader event.’
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, pinuno ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa San Lazaro Hospital, bukod sa inaasahang pagsisiksikan ng mga tao sa ‘polling precincts’ sa araw ng botohan, malaking bagay rin ang humihina nang ‘immunity’ ng populasyon lalo na ang mga hindi pa nababakunahan ng booster shot.
Aniya, maaaring magkahawaang muli ang mga nabakunahan na pero wala pang booster, puwede aniyang magkaroon ng reinfection.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 12 milyong katao pa lang ang nabigyan ng booster shot mula sa 65 milyong bakunado na.
Dagdag pa ni Sonate, isa pa sa mga factor ay ang mas maluwag nang galaw ng mga tao dahil sa ibinababa nang mga restriksiyon, at bagama’t nasa panuntunan pa rin ay marami nang mga Pinoy ang hindi nagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.
Aniya . . . “Yung iba ‘di na nagsusuot ng face mask. So ito ay multifactorial na pwedeng tataas ang kaso after election or during the next two to three months.”