Health Sec. Paulyn Ubial inakusahan ng isang dating philhealth official ng pagsisinungaling sa Commission on Appointmentss

Inakusahan ni dating Philhealth President Dr. Hildegardes Dineros si
Health Secretary Paulyn Ubial ng pagsisinungaling sa Commission on
Appointments

Sa pagdinig ng C-A sa ad interim appointment ni Ubial, sinabi ni
Dineros na hindi totoo ang pahayag ni Ubial sa mga miyembro ng komite
na nagresign sya bilang President at CEO ng Philhealth.

Ayon kay Dineros, tinanggal talaga sya sa pwesto dahil hindi
nagustuhan ni Ubial ang pagkwestyon nya sa mga iregularidad sa
ahensya.

Inireklamo nya ang mga hindi nasusunod na resolusyon na
inaprubahan ng board.

Pinuna rin Congresswoman Josephine Sato ang tatlong beses na pag-aapoint
ni Ubial ng mga officer in charge mula lamang nang maupo ito sa pwesto
noong 2016 para pamunuan ang Philhealth na isang pambabastos sa
kapangyarihan ng pangulo bilang isang appointing authority.

Ayon kay Sato, tila may pinagtatakpang anomalya sa Philhealth dahil
sinisibak ang mga OIC na tila hindi makasundo ni Ubial.

Inatasan na ni Sato ang DOH na isumite ang detalyadong financial
statement ng Philhealth lalot crucial ang implementasyon ng universal
health coverage.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *