Health workers hinikayat ng DOH na isumbong ang mga ospital na hindi nagsasagawa ng regular Covid-19 testing sa mga empleyado
Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga Healthcare worker na isumbong ang mga ospital na hindi nagbibigay ng mandatory testing sa kanilang mga empleyado.
Ginawa ng DOH ang panawagan kasunod ng mga ulat na may ilang Health workers ang hindi regular na naisasailalim sa Covid-19 testing.
Sa isang statement, iginiit ng DOH ang kanilang naunang memorandum na inilabas noon pang nakaraang taon hinggil sa mandatory testing ng mga empleyado ng pribado at pampublikong ospital.
Ayon sa DOH, kabilang rin dito ang mga Temporary Treatment and Monitoring Facility at iba pang Health facilities.
Nakasaad sa memorandum na dapat tiyakin ng mga nasabing Health institution na mayroong testing services para sa lahat ng kanilang healthcare workers may direkta mang exposure sa isang suspect, probable, o confirmed COVID-19 cases.
Prayoridad naman umano sa testing ang mga Health worker na may sintomas ng virus.
Maaari umanong tumawag sa DOH Hotline na 1555, o mag email sa DOH Complaints Handling Unit na [email protected].
Madz Moratillo