Healthy foods, Healthy Minds
Mula bata tinuturuan na tayong kumain nang mabuti para lumakas, lumusog, and to feel better, hindi lalamya-lamya.
Kaya nga lang, hindi naman tayo palaging nasasabihan na ang good nutrition ay nakaaapektosa ating mental health, di ba?
Para malinawan at maragdagan ang ating mga kaalaman sa healthy foods and good nutrition, plus ang kaugnayan nito sa ating mental health, inalam natin kay Dr. Bernard Balatbat, clinical nutritionist-pediatrician, kung may kinalaman ba ang ating kinakain sa mental health?
Bago iyan, ano ba ang mental health?
Mula sa World Health organization mental health is a state of well-being in which an individual realizes his or her own abilities, can cope with the normal stresses of life, an work productively and is able to make a contribution to his or her community.
Classified ito sa dalawa ang organic at inorganic disease.
Organic disease, tumutukoy sa physical changes, pag nagkakaedad, lumillit ang nerves, nawawala ang covering ng neurons sa utak.
Kapag maysakit gaya ng Alzheimer, nagkakaroon ng epekto sa utak.
Dito pumapasok ang mga pagkain na kailangang kainin para mareplenishang katawan.
Ipinaliwanag niya na tulad ng kable ng kuryente, kapag hindi sapat ang dumadaloy na kuryente maaaring masira ang covering.
Para mamaintain, mahalaga na magtake ng vitamin C, B, saturated fatty acid not to heal Alzheimer but to maintain kung ano kailangan ng katawan.
Habang ang inorganic disease naman, refers to psychological in nature, example, we look for comfort foods.
Pero ano nga ba ito?
Something that give us happiness, kapag stress or down ang pakiramdam ng isang tao, naghahanap tayo ng pagkain na makapagbibigay ng magandang pakiramdam.
Nilinaw niya na sa isang partikular na pagkain ma naka-attach na magandang memory.
Gaya ng adobo na luto ni nanay, puwedeng ang ibig sabihin ng adobo sa ‘yo ay luto ni nanay na walang sasarap pa sa ibang adobo, ‘yan ang masayang nakatatak sa isip ng isang tao.
Samantala, kapag naghahanap tayo ng sweet foods gaya ng chocolates,
totoo na kapag kinain ito ay nakapagbibigay ito ng masayang pakiramdam.
Guilty pleasure ika nga.
Kaya lang sabi ni Doc Bern, kapag madalas naman natin itong kainin, nawawalan minsan ng kontrol at nagkakaroon ng masamang epekto sa
katawan, too much sweet foods ay maaaring magresulta ng pagkakaroon ng diabetes.
It’ s all about enough calorie intake. Ito ang mga bagay na dapat I- consider pagdating sa mental health, but when it comes to nutritional needs, as long as na naibibigay natin ang kailangan ng katawan
Paano naman kaya ang mood swing?
Sagot ni Doc Bern para naman sa mga babae na nakararanas nito kapag may buwang dalaw o menstruation, huwag tayong judgmental dahil iba ang experiences ng babae tuwing monthly period, may kinalaman ito sa hormones.
Samantala, naitanong din natin tungkol naman sa pagsasanay ng good eating habit sa mga bata, ang sabi niya kahit sinanay ng well balance food diet, kapag na-expose sa mga ibat ibang klase ng pagkain gaya nga ng sweet foods ay hahanap hanapin nila ito.
Dito nabreak ang eating pattern for healthy foods kaya masasabi nating malaking hamon para sa mga
magulang.
Ang payo ni Doc, magresearch thru internet, puwede ding magtanong sa
mga dietitian or nutritionist.