Hearing para sa Chacha, ikinasa na sa Senado
Patutunayan ng Senado na Seryoso ito sa pagsuporta sa Charter change pero limitado lamang sa mga Economic Provisions ng Saligang Batas.
Itinakda na sa lunes, February 5 ang public hearing ng Sub-Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sa Resolution of both Houses no.6.
Ang komite ay pangungunahan ni Senador Sonny Angara na siyang itinalagang Chairman.
Sa abiso ng tanggapan ni Angara, iimbitahan ang ibat-ibang grupo at mga eksperto sa batas para magpaliwanag hinggil sa paraan ng pagbabago sa saligang batas.
Sa RBH no 6 na tatalakayin ng Senado, iminumungkahi na buksan sa mga dayuhan ang Advertising, Education at Public services bata sa pinagkasunduan ng liderato ng Senado at Kamara sa meeting kay Pangulong Bongbong Marcos noong january 11 sa Malakanyang.
Batay sa kasunduan, kapag naaprubahan na ng Senado ay i-aadopt ito ng Kamara de Representates upang mapabilis ang Proseso ng Chacha.
Sagot ito ng Senado sa isinulong na People’s Initiative na sinuportahan umano ng mga Kongresista.
Kasabay nito ay nagsagawa ngayong araw ang mga empleado ng Senado ng kanilang protesta laban sa kontrobersiyal na People’s Initiative.
Meanne Corvera