Heart failure o palyadong puso, nako-kontrol batay sa pag-aaral ng mga eksperto

Binigyang-diin ng mga eksperto sa puso ang halaga na mabantayan at maingatan ang puso.

Tema sa inorganisang Usapang Puso sa Puno (UPP) Health Forum ng Philippine Heart Association (PHA) ang “Palyadong Puso: May Pag-asa, Huwag Isusuko.”

Sinabi ng PHA doctors na mahalaga ang early treatment at healthy lifestyle modification para matulungang ma-kontrol ang mga sintomas ng heart failure o pagpalya ng puso.


Ayon pa sa mga health experts, ang Coronary Artery Disease (CAD) o mas kilala bilang Ischemic Heart Disease ay nangungunang sanhi pa rin ng pagkamatay ng maraming tao sa Pilipinas at maging sa buong mundo.


Sinabi ni Dr. Luigi Segundo, PHA Director III at Advocacy Committee Chair, kabilang sa mga risk factor ng sakit sa puso ay malabis na pag inom ng alak, paninigarilyo, mataas na blood pressure, mataas na blood sugar, at may lahi o genetic.

Usapang Puso sa Puno (UPP) Health Forum ng Philippine Heart Association (PHA)


Samantala, inisa-isa rin ni Dr. Segundo ang mga sintomas ng heart failure.


Kabilang dito ang pamamanas ng paa, paghingal, kakapusan ng paghinga, at mabilis o irregular ang tibok ng puso.


Sinabi naman ni Dra. Ricci Cruz, Chairman ng National Heart Failure Network (NHFN) na makabubuting sumailalim sa 2D Echo at ECG kung nais na matiyak kung dumaranas ng heart failure.


Dagdag ni Dr. Cruz na ang 2D Echo ay isang ultra sound sa puso na hindi dapat na katakutan dahil wala naman itong radiation o injection na ginagamit.


Sa panig naman ni Dra. Karen Caudor, Cardiologist at Cardiac Specialist, mahalagang maturuan ang publiko na hindi dapat matakot kung may heart failure dahil marami nang pamamaraan upang ito ay magamot o makontrol.


Para sa tatlong heart specialists, mainam na isagawa ang 52100 advocacy program ng PHA o kada araw ay 5 servings ng gulay, 2 gramo na konsumo ng 1 hour ng exercise, zero to smoking at zero to sugary beverages.

Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *