Heart specialist, hinihikayat ang publiko na magsagawa ng pocket workout exercise
Isinusulong ng mga cardiologist o espesyalista sa sakit sa puso ang one minute exercise kahit saan at kahit anong oras upang mapanatiling malusog ang puso at makatulong sa paglaban sa COVID-19
Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Usapang Puso media forum ng Philippine Heart Association o PHA.
Sa naturang talakayan, ipinaliwanag ni Dr. Nanette Rey, former President ng PHA ang FitHeart Minute o FhM campaign ay naglalayong mahikayat ang publiko na gumalaw o mag exercise.
Kahit ito ay gawin ng nakatayo o nakaupo, ang mahalaga, may paggalaw o may exercise.
Aniya, malaking tulong ang isang minutong exercise kada isa o dalawang oras upang mapanatiling malusog ang ating mga puso.
Kasabay nito, binigyang diin ni Rey na kailangang kasama sa pag e exercise ang pagkontrol sa pagkain.
Samantala, sa panig naman ni Dr. Raul Lapitan, kabilang din sa mga naging President ng PHA, sinabi niya na malaki ang magagawa ng ehersisyo upang maproteksyunan ang tao laban sa COVID- 19
Ayon kay Lapitan , kahit nasa loob ng bahay at naka work from home ay kailangang gumawa ng paraan upang maisagawa ang pag e-exercise.
Hinikayat pa niya ang publiko na ugaliin ang paglalakad o gumawa ng 10,000 steps kada araw para manatiling malusog ang pangangatawan.
Samantala, Binigyang diin ng PHA na ngayong nasa new normal ang Pilipinas at maging ang buong mundo ang Sit-down lifestyle is the new normal, sitting is the new smoking, at ang mahabang oras na pag-upo ay magiging sanhi ng obesity at magiging dahilan din ng sakit sa puso, diabetes at iba pang chronic ailments.
Bukod dito, ang mga taong may sakit sa puso, diabetes at comorbidities ay malaki ang panganib upang dapuan ng COVID- 19.
Belle Surara