heat stroke, bumiktima ng maraming Pinoy ayon sa DOH
Maituturing na medical emergency ang heat stroke sapagkat maaari itong humantong sa pagkamatay ng biktima.
Ayon kay DOH Spokesperson Eric Tayag, sa panahong ito kailangang lalong dagdagan ang pag inom ng tubig.
Ito ay para maiwasan ang heat stroke na ngayon ay bumibiktima ng marami nating Pinoy.
Kaugnay nito, sinabi ni Tayag na mahalagang iwasan ang outdoor physical activities sa mahabang oras.
Kapag hindi nagamot o nabigyan lunas kaagad ang nakaranas nito, maaring magdulot pa ito ng damage sa utak, puso at kidneys.
Kabilang naman sa mga sintomas ng heat stroke ay pagkahilo, pakiramdam na parang mahihimatay, sakit ng ulo, pagka-uhaw at dehydration, at mataas na temperatura at mabilis na heart beat, at marami pang iba.
Ulat ni : Anabelle Surara