Heavy rainfall warning itinaas sa ilang lalawigan sa Visayas

Dahil sa malakas at patuloy na pag-ulan, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Visayas.

Yellow warning level ang nakataas ngayon sa  Northern Samar, Northern portions ng Eastern Samar at Northern portions ng Samar.

Ito ay dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan sa nasabing mga lugar bunsod ng umiiral na low pressure area.

Babala ng PAGASA, maaaring makaranas ng landslides at pagbaha sa mga lugar na apektado ng heavy rainfall warning.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA, 160 kilometers Southeast ng Davao City.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na maliit pa rin ang tyansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *