Helicopter ng militar sa Mexico bumagsak, 14 patay
Labingapat katao ang naswi nang bumagsak ang isang military helicopter sa northwestern Mexico.
Ayon sa statement ng navy . . . “A Black Hawk helicopter was involved in an accident, the cause of which is unknown at this time. The navy mourns the death of those who lost their lives in this accident — naval personnel, who in life showed their service and dedication to the nation.”
Nakasaad pa sa statement na ang helicopter ay may lulang 15 katao, at ang nag-iisang nakaligtas ay ginagamot na matapos ang aksidenteng nangyari sa Sinaloa.
Nabatid na ang helicopter ay bumagsak habang nagsasagawa ng hindi tinukoy na operational activities, at batay sa statement, isang imbestigasyon ang isasagawa upang alamin ang sanhi nito.
Sinabi ng navy na ang pagbagsak ay hindi pinaniniwalaang may kaugnayan sa pagkakahuli nitong Biyernes, sa isang notorius na drug kingpin na wanted ng Estados Unidos dahil sa pagpatay sa isang US undercover agent.
Si Rafael Caro Quintero ay inaakusahan ng Estados Unidos ng pag-utos na dukutin, pahirapan, at patayin ang Drug Enforcement Administration (DEA) special agent na si Enrique Camarena noong 1985.
Si Quintero ay idinitini ng Mexican marines sa bayan ng Choix sa Sinaloa.