Hello Kitty-themed amusement park sa Tokyo isinara dahil sa terror threat
Nagsara ang isang sikat na Hello Kitty-themed amusement park sa Japan nitong Sabado, makaraang makatanggap ng isang “terror threat” sa email.
Ang Sanrio Puroland sa Tokyo ay sikat dahil sa kanilang rides, mga show at cute na cartoon mascots kabilang si Hello Kitty.
Sa isang mensahe sa kanilang website ay nakasaad, “We decided to temporarily close for the day because the safety of visitors, performers and staff cannot be guaranteed at the moment. Today, Saturday, February 24, 2024, we received an email threatening terrorism.”
Ang hindi matukoy na pagbabanta ay nagbunsod upang galugarin ng pulisya ang Sanrio Puroland, para sa kahina-hinalang mga bagay, ngunit wala namang nasumpungan.
Staff of the newly opened Hello Kitty theme park pose for photos at a preview of the small theme park “Hello Kitty’s Kawaii Paradise” in a shopping mall in Tokyo —A popular Hello Kitty-themed amusement park in Japan closed for the day on Saturday after receiving an “email threatening terrorism”, its operator said. (Photo by JIJI PRESS / AFP)
Ayon sa public broadcaster na NHK, sinusubukan na ng mga awtoridad na kilalanin ang nagpadala ng email, banggit ang mga hindi pinangalanang source mula sa pulisya.
Ang pink-bowed Hello Kitty character ay nilikha ng Tokyo-based Sanrio noong 1974, at binuksan naman ang Sanrio Puroland theme park sa Tama City, Tokyo noong 1990.
Ang terror threat at ang pagsasara ng parke, ay ikinadismaya ng marami, kung saan may nagsabing nakaiinis na nataon pa ito sa tatlong araw na weekend.