Help line ng DOH malaking tulong para sa mga kababayan nating dumaranas ng matinding kalungkutan o depresyon
Normal sa buhay ng tao ang makaranas ng kalungkutan, iba iba ang dahilan, halimbawa ay pagkamatay ng mahal sa buhay, pagkabigo sa inaasahang tagumpay, pagkasira ng relasyon, pang aapi ng kapwa tao at maraming iba pa.
Ayon sa Department of Health, sa layuning matulungan ang mamamayan na dumaranas ng nabanggit na emosyon, nagbukas ng help line ang kagawaran ng kalusugan na maaaring tawagan at hingan ng tulong kung sakaling nasa nabanggit na sitwasyon sa buhay.
Tinawag na emotional crisis line ang naturang intervention management.
Ayon pa sa DOH, bawat araw ay tumatanggap sila ng hindi bababa sa sampung tawag.
Karamihan ng tumatawag ay humihingi ng payo o kaya naman ay tulong kung paano lalabanan ang matinding kalungkutan sa buhay o depresyon.
Batay sa datos mula sa DOH, noong nakalipas na taon, mahigit sa tatlong libong tawag ang natanggap ng DOH help line.
Tumataas din ang callers pagsapit ng ber months at tuwing Pebrero.
Karamihan din sa callers ay mga babae na ang edad ay bente hanggang trenta’y nueve.
Maganda ang naturang intervention management ng DOH para sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan o depresyon, subalit, mas mainam kung sasamahan ito ng pananalangin sa Diyos.
Ulat ni: Anabelle Surara