Highest-level rainstorm warning ipinalabas sa Guangdong sa south China
Mahigit sa 100,000 katao ang inilikas dahil sa malakas na mga pag-ulan at grabeng mga pagbaha sa southern China, at ang gobyerno ay nagpalabas na rin ng pinakamataas na lebel ng rainstorm warning para sa mga apektadong lugar.
Bumuhos ang malakas na pag-ulan sa Guangdong nitong mga nakaraang araw at umapaw ang mga ilog, na nagpataas sa pangamba ng matinding pagbaha.
Ayon sa meteorological observatory ng siyudad, “The megacity of Shenzhen on Tuesday was among the areas listed as experiencing ‘heavy to very heavy downpours.’ The risk of flash floods was very high.”
Makikita sa mga larawan mula sa Qingyuan, isang lungsod sa northern Guangdong na bahagi ng low-lying Pearl River Delta, na isang gusali ang halos lubog na sa binahang parke na katabi ng isang ilog.
Sa opisyal na ulat noong Linggo, mahigit 45,000 katao na ang inilikas mula sa Qingyuan, na nasa gilid ng Bei River tributary.
Ayon naman sa state news agency na Xinhua, 110,000 mga residente sa buong Guangdong ang inilipat na simula nang bumuhos ang ulan nitong weekend.
Apat katao na ang namatay at may sampung nawawala ayon sa state media.
Makikita sa aerial shots mula sa lalawigan ang ‘aftermath’ ng landslides na nangyari sa likod ng isang bayan sa pampang ng umapaw na ilog.
Ang Guangdong ang manufacturing heartland ng China, tahanan ng humigit-kumulang 127 milyong katao.
In recent years China has been hit by severe floods, grinding droughts and record heat / STR / AFP
Sa ipinalabas nilang red alert ay sinabi ng mga awtoridad sa Shenzhen, “Please quickly take precautions and stay away from dangerous areas such as low-lying areas prone to flooding. Pay attention to heavy rains and resulting disasters such as waterlogging, flash floods, landslides, mudslides, and ground caving in.”
Dagdag pa nila, “Heavy rain is expected to continue in Shenzhen for the next two to three hours.”
Sa nakalipas na mga taon, ang China ay tinamaan ng matinding baha, labis na tagtuyot at grabeng init.
Ngunit dahil sa karaniwang mabilis na pagde-deploy ng mga awtoridad, naging mas mababa ang casualties sa nakalipas na mga dekada.
Ang Asya ang rehiyon na pinakatinamaan ng sakuna sa mundo mula sa mga panganib sa klima at panahon noong 2023, ayon sa United Nations, kung saan ang mga baha at bagyo ang pangunahing sanhi ng mga casualty at pagkalugi sa ekonomiya.