Higit 100 bagong technical service officers ng PNP, nanumpa na
Nanumpa na bilang mga bagong commissioned officers ng Phil. National Police, ang higit 100 licensed professionals.
Kabilang sa mga nanumpa bilang technical service officers, ang apat na abogado, tatlong medico-legal officers, isang chaplain at dalawang medical doctors.
Ang mga ito ay itinalaga sa initial rank ng police captain, na ang buwanang suweldo ay P56,582 at allowances.
Kasama ring itinalaga sa tungkulin ang 107 dentista, psychologists, nutritionists, engineers, chemists, forensic criminologists at I.T. officers.
Sila naman ay in-appoint sa initial rank ng police lieutenant na ang basic monthly salary ay P49,528.00 at allowances, at iba pang cash at non-cash benefits.
Ayon kay Chief PNP Pol. Gen. Guillermo Eleazar . . . “This is the time that you should prove your worth. At ako’y naniniwala na lahat kayo ay kwalipikado na maging opisyal ng Philippine National Police. “
Ang mga bagong police commissioned officers ay itatalaga sa regional offices at national support units.
Sumanib ang mga ito sa PNP, sa pamamagitan ng Lateral Entry Program para sa technical service officers.
Noong September 16, 241 technical service professionals ang itinalaga naman sa PNP Officer Corps sa katulad na seremonya.