Higit 100 jihadist, patay sa Nigeria air strikes
Higit 100 jihadist fighters ang namatay sa isinagawang air strikes ng Nigerian military.
Binomba ng fighter jets ang tatlong Islamic State West Africa Province (ISWAP) camps, sa hilagang-silangan ng Nigeria, na ikinasawi ng higit 100 fighters na kinabibilangan ng ilang senior commanders.
Simula ng masawi ang pinuno ng kalaban nitong Islamist group na Boko Haram sa nangyaring labanan sa pagitan ng dalawang grupo, ay tinipon na ng ISWAP ang kanilang puwersa sa Lake Chad region.
Ang ISWAP ay tumiwalag mula sa Boko Haram noong 2016, at mula noon ay naging dominante nang jihadist force sa hidwaan sa Nigeria. na ikinasawi na ng higit 40,000 nang magsimula ito noong 2009.
Ayon sa isang military officer sa rehiyon . . . “100 terrorists were killed during surgical air raids in Marte, a district in the country’s far northeast. The air strikes followed meticulous planning after intelligence reports established the presence of large numbers of terrorists in the three locations.”
Sinabi naman ng isang Nigerian intelligence source sa rehiyon na mahirap magbigay ng eksaktong bilang ng mga namatay, subalit kinumpirmang mahigit sa 100 fighters ang namatay.
Malaking bilang ng ISWAP jihadists ang lumipat sa tatlong kampo, ilang araw bago nangyari ang fighter jet attacks sa iba pang villages.
Ayon sa intelligence source, kinuha ng mga ito ang 20 mga sasakyan kabilang ang mine-resistant trucks, at lahat aniya ng sasakyan ay nawasak sa naganap na strike kasama ng ilang malalakas na armas.
Ayon sa isang lokal na mangingisda sa rehiyon na ayaw magpakilala para sa kaniyang kaligtasan . . . “The militant group suffered huge casualties. They have been hard hit by the recent attacks. They buried the more than 100 dead bodies in Tudun Giginya village, which took them almost the whole day.” (AFP)