Higit 11,000 indibidwal, naapektuhan ng Typhoon Kiko – NDRRMC
Pumapalo sa kabuuang 11,145 indibidwal ang naapektuhan ng Typhoon Kiko.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng nasa 2,780 families mula sa 97 Barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region.
Ang Babuyan islands, Batanes at Cagayan province ang binayo ng bagyong Kiko/
Bagamat lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo, nananatiling nasa Signal no. 1 ang Batanes at patuloy na humahatak ito ng Habagat na nagpapaulan sa ilang lugar sa Luzon.
Please follow and like us: